1. Ang batang tigre na si Eddie ay madalas managinip. Isang araw, napakaganda ng panaginip niya, Nanaginip siya na lumulutang siya sa mga ulap. Sabi niya sa sarili, "Ang sarap naman dito sa mga ulap. Kay lambot at nakakaginhawa."

  2. Sa gitna ng kanyang panaginip, nagising siya sa boses ng kanyang ina,
    "Eddie, Eddie, gising na!" Pagdilat ni Eddie, malungkot niyang sinabl,
    "Panaginip lang pala iyon, Sayang, akala ko pa naman ay totoo na.

  3. Sumilip si Eddie sa bintana ng kanilang bahay at nakita niyang napakaganda pala ng panahon sa labas. Nagmadali siyang lumabas para maglaro. Ngunit hindi niya matanggal sa kanyang isip ang panaginip niyang naglalaro siya sa mag ulap. Tumingin siya paltaas at inisip niya, "paano ko kaya maaabot ang langit?"

  4. Ilang araw ang lumipas ng dumating ang ulan. Hindi nagtagal ay tumigil na ang ulan.
    Napasigaw si Eddie, "Ito na! Makakaakyat ako sa mag ulap sa pamamagitan ng bahaghari."
    Sinubukang tawagin si Eddie ng kanyang ina upang pigilin, ngunit hindi siya pinansin ni Eddie.
    Tuluyang pumanhik si Eddie sa bahaghari patungo sa mga ulap sa langit.

  5. Nang marating na niya ang mga ulap, nagtatalon na siya at naglaro sa mga ulap, Naalala niya ang naranasan niya sa kanyang panaginip, "Napakalambot at nakakaginhawa, tulad ng nasa panaginip ko. Para na rin akong niyayakap ni inay." Ang kanyang sinabi.

  6. Matagal siyang naglaro sa mga ulap. Nawala na ang bahaghari ay tuloy pa rin ang kanyang paglalaro, kung kaya't nagkaproblema siya. Gusto na niyang umuwi ngunit nawalan siya ng paraan para makababa. "Naku! Anong gagawin ko?" ang kanyang iniyak. Takot na takot siya.

  7. "Saklolo!" Tulungan niyo po ako! ang sinigaw niya. "Tulungan ninyo po ako!"

  8. Narinig siya ng kanyang mga kaibigan na nasa ibaba. Nagpulong-pulong sila para pag-usapan kung paano nila matutulungan si Eddie.

  9. "Kailangan nating tulungan si Eddie. Pero paano kaya?" ang sabi ng Lolo.
    Ang sabi naman ng isa, "Subukan mo kayang lumipad at abutin siya."
    "Hindi ko yata kayang lumipad ng ganyan kataas. Ikaw, kaya, Unggoy?"
    "Magaling ako sa pag akyat ng puno, pero hindi ko yata kayang akyatin ang longit." sagot ng Unggoy.
    Ang sabi ng lahat, "Wala yatang makakatulong kay Eddie."

  10. Napaiyak ang Zebra, "Ano ba ito? Kaibigan kong matalik si Eddie. Kapag may problema ako. Iagi niya akong tinutulungan. Kailangan matulungan ko rin siya ngayon."

  11. Narinig ng Araw na umiiyak ang Zebra, "Huwag kang mag-alala. Susubukan ko siyang tulungan."

  12. May naisip ang Zebra, "Alam ko na! Bumuo tayo ng daan Para maabot si Eddie,"
    Nagpasinag ang araw ng tulay na gawa sa ilaw magmula sa lupa patungo sa ulap na kinaroroonan ni Eddie. Ngunit masyadong manipis ang ilaw para madaanan ni Eddie.

  13. Lalong nag-alala ang lahat. Ang sabi ng Daga, "Ang bait-bait ni Eddie sa akin.
    Sa tuwing may mahahanap siyang prutas sa gubat ay hinahatian niya ako."
    Sabi naman ng kuneho, "Noong may sakit ako, binibista niya ako at dinadalhan ng bulaklak." Lahat ng hayop ay isa-isang nagkuwento ng kanilang naranasang mga kabaitan ni Eddie.

  14. Nang lalong mag-alala ang mga hayop ay lalong lumiwanag ang sinag ng araw Hiniling ng lahat na dagdagan ng araw ang mga tulay na ilaw patungo sa ulap na kinaroroonan ni Eddie. Ngunit masyado pa ring maninipis ang mga tulay.
    Si Eddie ay napaiyak.

  15. Habang si Eddie ay nasa itaas ay nakita niyang alalang-alala ang lahat ng kanyang mga kaibigan. Nagpasalamat siya sa lahat sa kanilang tulong.
    "Salamat, aking mga kaibigan. Salamat sa inyong lahat."

  16. Nagsisi si Eddie sa kanyang ginawa. Alam niyang siya'y naging makasarili at dapat niyang pinakinggan ang utos ng kanyang ina. Napadasal siya, "Magmula ngayon ay hindi ko na susuwayin ang utos ng aking ina, at makikipaglaro na lang ako sa aking mga kaigbigan."

  17. Biglang may naisip ang Giraffe, "Bakit hindi natin pagdikitin ang mga tulay."
    Sumang-ayon ang araw at ang lahat ng mga kaibigan ni Eddie. Sinubukan nilang bumuo ng isang malaking tulay. Habang ginagawa nila ito, sa pamamagitan ng pagmamahal nila kay Eddie, nagawa nilang maging bahag-hari ang nabuo nilang tulay.

  18. Madaling bumaba si Eddie. Tuwang-tuwa silang lahat. Masayang sinabi ni Eddie.
    "Maraming salamat sa inyo! Salamat sa inyong lahat!"

  19. Dahil sa nangyari kay Eddie ay naisip ng lahat na kailangan nilang magkaisa at magtulong-tulong kung nais nilang magtagumpay.

  20. At sa araw na ito, ang tulay na bahaghari ay pinangalanang "Bridge to the New Millennium" tulay tungo sa bagong Milenyum para sa payapang mundo.

[–ß‚éEBack]